Saturday, May 21, 2016

PANANALIKSIK sa FILIPINO ni Marvin K. Assim at Michaela G. Juson


''Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat''

Marvin K. Assim at Michaela G. Juson
Mananaliksik






























TALAAN NG NILALAMAN
 

KABANATA I. Introduksyon
           A. Introduksyon
           B. Paglalahad ng Suliranin
           C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
           D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
           E. Kahulugan ng mga Katawagan
KABANATA II. Kaugnay na Pag-aaral
          A. Kaugnay na Pag-aaral
KABANATA III. METODOLOHIYA
          A. Mga Instrumento ng Mananaliksik
KABANATA IV. Pagsususri at Interpretasyon ng mga Datos
          A. Demograpikong Propayl
KABANATA V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
          A. Lagom
          B. Konklusyon
          C. Rekomendasyon
APENDIKS
BIBLIOGRAPIYA
KURIKULUM VITAE








KABANATA I
Introduksyon


A. INTRODUKSYON
      
          Ang PAMANA ay isang programa ng gobyerno upang maiwasan ang kahirapan. Tumutulong ito tulad na lang ng pagbibigay-kapital sa mga mamamayang nangangailangan upang mga-umpisang makapagpatayo ng isang negosyo para magsilibing hanapbuhay. Ito ay isang magandang halimbawang proyekto ng gobyerno para sa isang pamayanan tungo sa kasaganahan, kapayapaan at kaunlaran. Ito ay nagbibigay ng negosyong pang-kapayapaan at nagsisilbing balangkas sa pag-unlad.
        Ang PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan ay isang Sustainable Livelihood Program (SLP) na nabuo mula sa parehong pisikal at sosyal na imprastaktura para sa mga lugar na epekto ng mahinang laban sa hinding pagkakasundo sa rehiyon, mga antas ng probinsya at barangay. Ang OPAPP o Office of Presidential Adviser on the Peace Process ang siyang magsusuri sa pagpapatupad ng program sa pamamagitan ng ARMM,CHED,DA,DOE,DENR,DILG,DSWD,DPWH,NCIP,NEA,NIA at PhilHealth. Sa ilalim ng Philippine Development Plan 2011 hanggang 2016, ang PAMANA ay nakilala bilang isang prayoridad na programa ng National Government para sa kapayapaan at pagdebelop ng ating ekonomiya. (www.opapp.gov.ph)
        Nakakatulong ang PAMANA hindi lamang sa isang lugar kundi pati na rin sa buong bansa. Dahil dito maraming mga mamamayang Pilipino ang hindi tuluyang nawalan ng pag-asa at nakabangon sa kahirapan. Maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng masaganang hanapbuhay dahil sa tulong nito,tulad na lang ng ilang lugar sa Mindanao gaya ng Cotabato, Pigcawayan,Libungan,Maguindanao,at ilang mga lugar sa Sultan Kudarat.
       Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ilaw sa mga taong gusto pang may malaman tungkol sa PAMANA at magbigay ng sapat na pag-aaral tungkol sa mga bagay na ito.



B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
        Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maghanap ng katutuhanang impormasyon tungkol sa Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat sa taong 2015-2016.
      Lalo na, ito ay naghahanap ng kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakatulong ang PAMANA sa mga residente ng Kalamansig?
2. Ano ang magandang naidulot ng PAMANA sa isang pamayanan?
3. Anong serbisyo ang naitutulong ng programang PAMANA sa ating bansa?


C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
       Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay tungkol sa Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat sa Taong 2015-2016 ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

1. Mamamayan- magagamit ang pag-aaral na ito upang malaman ang dulot ng
                             PAMANA sa  pamayanan.

2. Miyembro ng PAMANA- upang maa higit na maintindihan ang tungkol sa
                                                   PAMANA.

3. Negosyante- magagamit ang pag-aaral na ito upang mas malinawan at makakuha
                           ng mga paraan at teknik.




D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
      
       Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw ng usaping tungkol sa Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat sa Taong 2015-2016. Ang mga isyung walang kinalaman sa pag-aaral ay itinuturing na walang katuturan.
      Dagdag pa rito, ito ay limitado sa mga responde tungkol sa Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan. Ang lokasyon ay sa Barangay Poblacion ng Kalamansig, Sultan Kudarat at ito ay nagsimula noong Pebrero 2016 at magtatapos sa Marso ng parehong taon.


E. KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN
     
      Ang mga tuntunin na may kinalaman sa pananaliksik ay tukuyin upang makamit ng malinaw na pagkaunawa sa bagay na ito.

1. PAMANA-  ang ibigsabihin ay Payapa at Masaganang Pamayanan na isang
                          programa ng gobyerno  upang tulungan ang mamamayang umunlad.

2. SLP- ang ibigsabihin ay Sustainable Livelihood Program ay ipinapatupad kasama
             ang LGU upang makapamuhay ng masigla at tumaas ang kita ng bawat
             pamilya.

3. National Government- ay mayroong ehekutibo,lehislatibo at hudisyal, at sa tatlong
                                              iyon ay may mga sugnay, ito ay binubuo ng: Pangulo, Ikalawang
                                             Pangulo,Senado,Kongreso,Gabinete,Korte Suprema at iba pa.

3. Kalamansig, Sultan Kudarat- kung san ginawa ang pag-aaral.





 KABANATA II
Kaugnay na Pag-aaral


               Makikita sa bahaging ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pag-aaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan, aklat at web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral.


A. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

       Ang programang Payapa at Masaganang Pamayanan o Pamana ay nagdudulot ng kaunlaran at ito ay ipinatupad bilang bahagi ng kontra rebolusyonaryong digmang Oplan Bayanihan (OPB). 1.9 bilyong pundo ang nakalaan para sa programang ito at sa tulong ng mga tagapagpatupad sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).


        
        Kabilang sa mga proyektong ipatutupad ng programang PAMANA ay ang mga proyektong pang-kabuhayan; farm-to-market road,post-farm-to market roads,post harvest facilities,pamamahagi ng hayupan,pagpapatayo ng warehouse,multi-purpose building at patubig,health center,paaralan at iba pang proyektong pang-imprastaktura at marami pang iba. Ipatutupad ng PAMANA ang mga naturang proyekto sa pamamagitan ng sumusunod na ahensya; DA,DPWH,DILG,DSWD,DOH,AFP at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, maging ang lokal na pamahalaan.


       Tinatayang 17 mahirap na barangay sa piling mga munisipyo sa buong Soccsksargen Region ay nakatakdang makinabang sa PAMANA Program ng gobyerno. Ayon kay DA 12 Region Executive Director Amalia Jayag-Datukan, ang mga barangay na ito ay mahihirap at apektado ng kaguluhan. Aniya kinikilala ang mga komonidad sa pagpupulong kumakailan kung saan tinukoy ang mga proyektong ipatutupad mula sa 2011 hanggang 2016 sa mga lugar laban sa ARMM MNLF areas. Bagamat 'di niya tinukoy ang mga barangay, inihayag ni Director Datukan na ito ay nasa loob ng mga munisipyo ng Arakan,Banisilan,Carmen,Kabacan,Matalam,Midsayap at Pikit, sa loob ng North Cotabato; Glan,Maasim at Malapatan, sa Sarangani; Lake Sebu at T'boli; sa South Cotabato at; Bagumbayan,Isulan,Kalamansig,Lebak at Palimbang sa Sultan Kudarat.(http://www.ugnayan.com/ph/NorthCotabato/Makilala/Article/30AI.com)

         Taliwas sa ipinagmamalaki ng rehiming Aquinom, hindi nagdudulot ng kaunlaran ang programang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS). Ang dalawang programang ito ay kapwa ipinatutupad bilang bahagi ng kontra-rebolusyonaryong digmang Oplan Bayanihan (OPB). Ang nakalaang P1.9 bilyong pondo ay napupunta lamang sa mga pakitang taong programang pansaywar ng rehimeng US-Aquino at inilulustay ng mga tagapagpatupad nito sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

   

        Bayanihan ang programang PAMANA dahil pangunahing ipinatutupad ito ng mga sundalo kabilang sa Civil Military Operations (CMO) Batallion ng AFP, sa halip ng mga ahensya at tauhang sibilyan ng reaksyunaryong gobyerno. Kaakibat ng pagpapatupad ng mga programang ito ang paglulunsad ng mga aktibidad pampropaganda laban sa rebolusyonaryong kilosan at pagpapatayo ng mga lambat-  paniktik sa lugar. Sa probinsya ng Samar, kailangan munang imapa at ilarawan ang lugar at tukuyin ang katangian nito bilang mga rekisito sa pagpapatupad. Halimbawa, para makakuha ng proyekto ng inuming tubig, kailangang magsumite ng mapa ng mga batis at bukal na saklaw ng barangay kahit hindi ito ang pinagkukunan ng tubig. Sumasama ang mga ahente ng militar sa pagmamapa at pagsarbey ng lugar.








KABANATA III
Metodolohiya



 
         Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at paraan ng pangangalap ng datos sa pananaliksik.
         Nakapaloob dito kung anong mga instrumento ang ginagamit sa pangangalap ng datos, paraan ng pagkuha ng datos at mga tagatugon ng pag-aaral o respondente.


A. MGA INSTRUMENTONG GINAMIT NG MANANALIKSIK
         
         Isa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ay makapagbigay impormasyon tungkol sa lugar ng paksa. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:


*INTERNET
       
          Sa pagkakalap ng mga datos sa internet kumuha lamang ang mananaliksik ng mga ideya tungkol sa paksa sa maaaring makatulong o makadagdag ng impormasyon.


*PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
  
         Kawili-wili na gawain ng pagkuha ng mga impormasyon sa tulong ng pagtatanong. Gumamit ng ganitong uring disenyo ang mananaliksik upang makatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa ginagawang pananaliksik.


*PAGPUNTA SA MISMONG LUGAR
  
          Ang mananaliksik ay pumunta sa mismong lugar ng paksa (Kalamansig, Sultan Kudarat). Ang mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon sa lugar. Inalam ang hitsura ng paligid, ang mga tao sa paligid nito at ang mga lugar na maaaring puntahan. Kasama na rin sa pag-obserba ng mananaliksik ang mga gawain ng mga tao.







KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon
ng mga Datos



          Sa kabantaang ito, ang mananaliksik ay ipinapakita ang pagsusuri at paginterpret ng mga datos na nakalap batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga datos ay inilarawan sa pamamagitan ng grapikal na paglalahad.

A. Ano ang Demograpikong Propayl ng responde sa mga tuntunin?

TALAHAYAN 1. Dami at Porsyento ng Pamamahagi ng mga Responde sa Tuntunin ng
                             Edad

EDAD
DAMI
PORSYENTO %
43-45
4
26.7%
46-48
5
33.33%
49-50
6
40%
KABUUAN:
15
100%

         Sa talahayan 1, ipinapakita na ang karamihan ng mga sumasagot sa pananaliksik na ito ay edad sa pagitan ng 49-51 taong gulang, na may bilang ng 6 na tao, katumbas ng 40 na porsyento. Sumunod ay 46-48 taon ng edad at may 5 tao, katumbas ng 33.3 na porsyento at 43-45 taon na may 4 katao na may katumbas na 26.7 porsyento.

TALAHAYAN 2. Dami at Porsyento ng Pamamahagi ng mga Respondente sa   
                               Tuntunin ng Kasarian


KASARIAN
DAMI
PORSYENTO %
Babae
14
93.4%
Lalaki
1
6.6%
KABUUAN:
15
100%

         Sa talahayan 2, ipinakita na ang kabuuan ng mga respondente, nakakuha ang mga babae ng 93.4 porsyento. Dahil sa panahon ay nakakalap ng datos karamihan ay mga babae mulas sa Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat at 1 ang lalaki na may 6.6 na porsyento. Sa kabuuan ay 100 na porsyento.


TALAHAYAN 3. Pamilyar ka ba sa programang PAMANA?

TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
15
100%
HINDI
0
0%
KABUUAN:
15
100%

       Sa talahayan 3, ipinakita na isang daan porsyento (100%) o labing limang (15) respondente ay pamilyar sa programang PAMANA.

TALAHAYAN 4. Nakakatulong ba ang programang PAMANA sa residente ng
                                Kalamansig?


TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
12
80%
HINDI
3
20%
KABUUAN:
15
100%

        Sa Tahayan 4, ipinakita na walongput porsyento (80%) o labing dalawa (12) na responde ang nagsasabing ang programang PAMANA ay nakakatulong sa residente ng Kalamansig habang dalawangput porsyento (20%) o tatlong (3) responde ang nagsasabing hindi nakakatulong ang programang PAMANA sa residente ng Kalamansig.

TALAHAYAN 5. Sa iyong palagay ang PAMANA ba ay isang magandang
                                halimbawang proyekto ng gobyerno?


TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
13
86.7%
HINDI
2
13.3%
KABUUAN:
15
100%

         Sa talahayan 5, ipinapakita na 86.7% o 13 responde ay nagsasabing ang PAMANA ay isang magandang halimbawang proyekto ng gobyerno habang 13.3% o 2 responde naman ay nagsasabing hindi magandang halimbawang proyekto ang PAMAN ng gobyerno.





TAHAYAN 6. Naging mas maluwag ba ang pangkabuhayan ng bawat pamilya sa
                          tulong ng PAMANA?


TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
12
80%
HINDI
3
20%
KABUUAN:
15
100%

        Sa talahayan 6, ipinapakita na walongput porsyento (80%) o labing dalawang (12) respondente ay nagsasabing naging mas maluwag ang pangkabuhayan ng bawat pamilya sa tulong ng PAMANA habang dalawangput porsyento (20%) o tatlong (3) respondente naman ay nagsasabing hindi naging maluwag ang pangkabuhayan ng bawat pamilya dahil sa programang PAMANA.

TALAHAYAN 7. Malaki ba ang naitulong sa iyo ng programang PAMANA bilang
                                isang miyembro?


TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
10
66.7%
HINDI
5
33.3%
KABUUAN:
15
100%

          Sa talahayan 7, ipinapakita na 66.7 porsyento o sampung (10) respondente ay nagsasabing malaki ang naitulong ng programang PAMANA samantalang 33.3 porsyento o limang (5) respondente naman ay nagsasabing hindi nakakatulong ang programang PAMANA.

TALAHAYAN 8. Nakadagdag ba ang programang PAMANA sa problema ng ating bansa?

TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
7
46.7%
HINDI
8
53.3%
KABUUAN:
15
100%

          Sa talahayan 8, ipinapakita na 53.3 porsyento o walong (8) respondente ang nagsasabing hindi nakadagdag ang programang PAMANA sa problema ng bansa habang ang 46.7 porsyento o walong (8) respondente naman ay nagsasabing nakadagdag lamang ang programang PAMANA sa problema ng bansa.


TALAHAYAN 9. Bilang miyembro ng PAMANA, ito ba ay nakakatulong sa
                               pagdebelop ng ekonomiya ng bansa?


TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
11
73.3%
HINDI
4
26.7%
KABUUAN:
15
100%

       Sa talahayan 9, ipinapakita na 73.3 porsyento o labing isang (11) respondente ay nagsasabing nakakatulong ang programang PAMANA sa pagdebelop g ekonomiya ng bansa samantalang 26.7 porsyento o apat (4) na respondente naman ay nagsasabing hindi nakakatulong ang programang ito sa pagdebelop ng ekonomiya ng bansa.

TALAHAYAN 10. Naging masagana ba ang inyong pamayanan ng dahil sa
                                  PAMANA?

TUGON
RESPONDENTE
PORSYENTO %
OO
11
73.3%
HINDI
4
26.7%
KABUUAN:
15
100%

        Sa talahayan 10, ipinapakita na 73.3 porsyento o labing isang (11) respondente ay nagsasabing naging masagana ang kanilang pamayanan dahil sa programang PAMANA habang 26.7 porsyento o apat (4) na respondente naman ay nagsasabing hindi naging masagan ang kanilang pamayanan.









KABANATA V
 Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


A. Lagom

    Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Napili ang paksang ito ng mananaliksik upang mapaluwag ang kaalaman ng mga residente sa programa ng gobyernong PAMANA dahil makakatulong ito upang maiwasan ang kahirapan sa ating bansa.

B. KONKLUSYON:

    Batay sa inilalahad ng mga datos ang mananaliksik ay nag bigay ng mga pagpapatunay ng mga konklusyon. Sa isinagawang survey ng mananaliksik na pag-alaman na ang demograpiyang propayl ng mga respondente ay may 40 porsyento o anim (6) ang pinakamaraming respondente at may 49-51 edad habang sa kasarian naman ay mas marami ang babaeng respondente na may bilang na labing apat (14)  at ang lalaki naman ay may bilang na isang (1) respondente.

C. Rekomendasyon

1. Sa Mga Mamamayan
   Sa ngayon maraming mga mamamayan ang naghihirap, ngunit patuloy pa ring hindi sumusuko. Upang maiwasan natin ang kahirapan hahanap tayo ng magandang paraan tulad na lamang ng pag-sali o pagpapamiyembro sa mga programang pang-gobyerno na makakatulong para maiwasan ang kahirapan tungo sa kaunlaran.

2. Sa Gobyerno
  Kung nais ninyo talagang makatulong pa sa mga mamamayan kayo ay gumawa o magplano ng isang bagay na siguradong makakatulong sa mga mamamayang nahihirapan upang sa ganon ay maiwasan ang kahirapan.

3. Sa Mga Iba Pang Mananaliksik
   Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtamo ng mas marami at higit pang relebante ng mga datos o impormasyon na maaaring makatulong sa mga suliraning kaugnay ng pananaliksik na ito.






APENDIKS

Notre Dame of Salaman College, Inc.
Poblacion 1, Lebak, Sultan Kudarat
Taunang Aralan 2015-2016

Sa mga Respondente,
   Kami po ay kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSED) ng Notre Dame of Salaman College, Inc. (NDSC,Inc.). Bilang pagtugon sa pangangailangan ng asignatura, ang mga nakalagda ay kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik na pinamagatang "Epekto ng PAMANA sa Kabuhayan ng 15 Residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat sa Taong 2015-2016".
   Kaugnay po nito ay nais naming pasagutan sa inyo ang talatanungan na nasa ibaba. Ang inyong pagsuporta at pakikipagtulungan ay nakakatulong ng malaki sa ikakatagumpay ng aming pananaliksik. Maraming salamat po. Patnubay nawa kayo ng poong maykapal.

Lubos na gumagalang,
                                                                                                                       Marvin K. Assim
                                                                                                    Michaela G. Juson
                                                                                                                           Mananaliksik




















BIBLIOGRAPIYA

INTERNET:

http:// www. gov.ph/crisis-response/google.com.ph






http://www.philippinerevolution.net/publication/ang_bayan/20121107.ph


 http://www.ugnayan.com/ph/NorthCotabato/Makilala/Article/36AI.com


 http://www.ugnayan.com/ph/NorthCotabato/Makilala/Article/30AI.com


http://www.Pamana.gov.net









KURIKULUM VITAE


Marvin K. Assim
Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat

PERSONAL NA DATOS
Edad: 18 taong gulang
Petsa ng Kapanakan: Ika_22 ng Marso, 1998
Lugar ng Kapanakan: Kaumpurnah Isabela Basilan
Kasarian: Lalaki
Lahi: Pilipino

EDUKASYONG NATAMO
Tersarya: Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong Batsilyer sa Sekondarya ng
                 Edukasyon
                 Medyur sa Filipino
                 Notre Dame of Salaman College, Inc
                 Poblacion I, Lebak, Sultan Kudarat

Sekondarya: Notre Dame of Kalamansig, Inc.
                       Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
                       Taong Antas: 2014-2015

Elementarya: Datu Guiabar Pilot Sachool
                         Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
                         Taong Antas: 2010-2011















KURIKULUM VITAE
 



Michaela G. Juson
Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat

PERSONAL NA DATOS
Edad: 21 taong gulang
Petsa ng Kapanakan: Ika_28 ng Abril, 1998
Lugar ng Kapanakan: Cotabato City
Lahi: Pilipino

EDUKASYONG NATAMO
Tersarya: Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong Batsilyer sa Sekondarya ng
                 Edukasyon
                 Medyur sa Filipino
                 Notre Dame of Salaman College, Inc
                 Poblacion I, Lebak, Sultan Kudarat

Sekondarya: Notre Dame of Kalamansig, Inc.
                       Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
                       Taong Antas: 2010-2011

Elementarya: Datu Guiabar Pilot Sachool
                         Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
                         Taong Antas: 2008-2009

































No comments:

Post a Comment